IDNStudy.com, kung saan ang mga eksperto at komunidad ay nagtutulungan para sagutin ang iyong mga tanong. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Pusong Babae
Si Danny ay isang kawani ng gobyerno na ang prinsipyo sa buhay ay maglingkod nang tapat at maging matiyaga upang pagkatiwalaan ng iba at marating ang inaasam sa buhay. Dumating ang panahon na nabakante ang posisyon ng kahera sa kanilang kompanya. Maaaring mag-aplay sa posisyong ito si Danny dahil karapat-dapat naman talaga siya, ngunit sa kasamaang-palad ay maraming humahadlang sa kanya dahil daw sa taglay niyang pusong babae at ang kahinaan niya sa lalaki. Natatakot ang kanyang mga kasamahan na makadispalko siya ng pera kung sakaling hihirangin siya bilang kahera. Sa kabila nito, walang nagawa ang kanyang mga katrabaho at siya pa rin ang hinirang na kahera dahil sa kanyang mga kwalipikasyon. Nang maging isang kahera si Danny ay ipinakita niya sa kanyang mga kasamahan ang taos-puso niyang paglilingkod at malinis na intensyon sa trabaho. Maayos ang naging rekord-pinansiyal ng kompanya at walang anomalyang nangyari hanggang sa magretiro siya. Dahil dito ay pinarangalan siya sa kanyang katapatan sa paglilingkod bilang isang kahera,

1. bakit maraming humahadlang sa paghirang Kay Danny bilang kahera?

2. paano ipinapakita ni Danny na Mali Ang mga tao sa masamang iniisip tungkol sa kanya?

3. Gaano kahalaga Ang katapatan sa anumang Gawain

4. paano mo ipinakikita Ang taos-puso mong katapatan sa iyong kapwa​


Sagot :

Answer:

1. dahil sa taglay niyang pusong babae at ang kahinaan niya sa lalaki

2. ipinakita niya sa kanyang mga kasamahan ang taos- puso niyang panglilingkod at malinis na intensyon sa trabaho.

3. mahalaga ito upang pagkatiwalaan ka ng mga ka trabaho mo o boss.

4.hindi ako nagawa ng makakasira ng relasyon namin ng kapwa ko ka trabaho.

Explanation:

T^T