IDNStudy.com, ang iyong platform para sa mga sagot ng eksperto. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.
Sagot :
Nagbuburda si Julia habang magkaharap kay Tenyong. Pagkatapos, biglang dumating ang kaibigan nitong si Lucas. Nagbalita siya na nadakip ang kanyang ama.
Sabi niya napagkamalan itong isang tulisan. Napatay ang kanyang ama na si kapitan Inggo at nais ni Teyong na maghiganti kahit hindi ito gusto ng kasintahan na si Julia at kanyang ina na si kapitana Puten.
Ngunit, ang dalawa ay walang nagawa. Nagkalayo sina Julia at Tenyong. At dahil dito, may dumating namang mangliligaw si Julia, isang mayang nag ngangalang Miguel.
Sa pagalaon ay itinakda ang kanilang kasal kaya si Julia ay nagpadala ng liham kay Lucas para ipaalam na siya ay ikakasal na. Ngunit, ang liham ay hindi na sagot ni Tenyong dahil biglang nagkaroon ng labanan.
Ibinilin na lang ni Tenyong na dadalo siya sa araw ng kasal ni Julia. Inakala ni Julia na patay na si Tenyong kaya labag man sa kanyang kalooban ay kaylangan niyang magpakasal kay Miguel.
Sa araw na mismo ng Kasal, dumating si Tenyong sa simbahan na duguan na anyong mamatay na. Pagkatapos nito, pinatawag ang kura upang makapangumpisal si Tenyong.
Ang huling kahilingan nito ay ikasal siya kay Julia. Pumayag naman si Tadeo ang ama ni Miguel at Juana, ang ina ni Julia dahil mamatay rin naman si Tenyong at makakasal rin ang kanyang anak.
Subalit, biglang bumangon si Tenyong at nag sigawang ang lahat ng Walang Sugat! Walang Sugat! Nilinlan lang pala ni Tenyong ang lahat upang siya ay makasal kay Julia.
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.