IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may mabilis na sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Kahulugan ng Anak-Pawis
Ang anak-pawis ay isang halimbawa ng idyoma o sawikain. Ang kahulugan nito ay pagiging dukha o mahirap. Ito ay tumutukoy sa mga tao na kabilang sa mababang uri ng lipunan. Ito ang mga tao na salat sa kaginhawahan at kasaganaan. Ang anak-pawis ay kadalasang iniuugnay sa mga magsasaka o manggagawa ngunit hindi naman lahat.
Mga Halimbawang Pangungusap
Gamitin natin ang anak-pawis sa ilang pangungusap upang mas maging pamilyar sa idyoma. Narito ang halimbawa:
- Kahit anak-pawis ay naabot parin ni Ruby ang kanyang pangarap.
- Marami ang nagbigay ng tulong para sa mga anak-pawis na magsasaka sa probinsya.
- Ang anak-pawis na si Franco ay nagtiyaga at nagsikap upang maiahon sa hirap ang kanyang pamilya.
Ano ang idyoma o sawikain?
Ang idyoma o sawikain ay mga salita o parirala na nagpapahayag o nagtataglay ng talinghaga. Ang kahulugan ng mga ito ay hindi literal. May natatago itong kahulugan sa iba't ibang bagay. Narito ang iba pang halimbawa ng idyoma o sawikain:
- balitang kutsero - hindi totoong balita
- balat sibuyas - maramdamin
- kusang palo - sariling sikap
- dalawa ang bibig - madaldal
- butas ang bulsa - walang pera
- hawak sa ilong - sunud-sunuran
- bukas ang dibdib - maawain
- kumukulo ang tiyan - gutom
Halimbawa ng Pangungusap na may Idyoma o Sawikain:
https://brainly.ph/question/2760393
#LearnWithBrainly
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.