Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

ano ang kaibahan ng denotasyon sa konotasyon?

Sagot :

Kaibahan ng Denotasyon at Konotasyon

Ang denotasyon at konotasyon ay ang dalawang paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa isang salita. Ang denotasyon ay tumutukoy sa literal o totoong kahulugan ng salita. Ito ang kahulugan na makukuha sa diksyunaryo. Ang konotasyon naman ay tumutukoy sa pansariling kahulugan ng tao o grupo sa isang salita. Ito ay iba sa pangkaraniwang kahulugan.

Mga Halimbawa ng Denotasyon at Konotasyon

Upang mas maunawaan ang pagkakaiba ng denotasyon at konotasyon, nasa ibaba ang ilang salita. Makikita rito ang denotasyon at konotasyon na kahulugan ng isang salita.

  • Bola

Denotasyon: bilog na laruan

Konotasyon: matamis na dila

  • Buwaya

Denotasyon: reptil na nakatira sa tubig at latian

Konotasyon: taong mapanlinlang o gahaman

  • Gintong kutsara

Denotasyon: kutsara na ginto

Konotasyon: mayaman

  • Nagsusunog ng kilay

Denotasyon: sinusunog ang kilay

Konotasyon: nag-aaral ng mabuti

  • Ahas

Denotasyon: reptil na walang paa at makamandag

Konotasyon: traydor

Karagdagang halimbawa ng denotasyon at konotasyon:

https://brainly.ph/question/2513081

https://brainly.ph/question/2156425

#LearnWithBrainly