Makakuha ng kaugnay na sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.
Sagot :
Kahulugan ng Talaarawan
Ang salitang talaarawan ay binubuo ng hulaping -an at dalawang salitang ugat na tala at araw. Ang kahulugan nito'y isang talaan na aklat na naglalaman ng mga pangyayari, saloobin o kaisipan na nagaganap sa araw-araw. Ito'y personal at maaaring naglalaman ng lihim ng isang tao kaya hindi kadalasang pinababasa sa iba. Sa Ingles, ito'y diary.
Paano sumulat ng talaarawan?
Tandaan na ang pagsusulat sa talaarawan ay parang nakikipag-usap sa isang tao. Maaari mo itong tawaging "Mahal Kong Diary" o "Mahal Kong Kaibigan". Maaari mo ring bigyan ng pangalan ang talaarawan mo gamit ang ngalan na iyong nais. Isang halimbawa nito ay ang sikat na diary ni Anne Frank. Tinawag niya ang kanyang talaarawan na "Kitty".
Anu-ano ang napapaloob sa talaarawan?
Ang isang maayos na talaarawan ay naglalaman ng mga sumusunod na bagay:
- Petsa
- Pangalan ng talaarawan
- Saloobin, nadarama o iniisip
- Pantasya
- Pangarap o kabiguan
- Lagda
Halimbawa ng Talaarawan:
https://brainly.ph/question/159069
#LearmWithBrainly
Salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!