IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at maaasahang mga sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.
Ang mga bagyo, monsoon at mga lindol ay mga likas na kalamidad na mapaminsala kaya pagdating sa pisikal na katangian ng isang lugar ay binabago nila ito. Halimbawa, kapag bumagyo o nagka-monsoon, maaaring magkakaroon din ng landslide sa isang lugar. Ang dating patag na lupain, baka ngayon ay magiging dalisdis at delikadong tirahan. Ganoon din kapag lumindol, maaaring lumubog ang ibang bahagi ng magandang lupain o baka ay magkakaroon ito ng malalaking bitak na naghihiwalay sa dating magkadikit na lupain. Napipinsala rin ang mga bahay, gusali at marami pang ibang imprastruktura sa isang pamayanan.
Kapag may ganap akong kaalaman sa katangian ng mga natural na kalamidad, mas magiging mapamaraan ako pagdating sa mismong araw ng kalamidad o bago tumama ito. Nagiging alerto ako at handa sa mga pagbabago sa panahon. Makapagsasagawa rin ako ng plano bago pa mangyari ang mga ganitong sitwasyon. Hindi ako magiging kampante lang dahil anumang oras ay dumarating ang mga kalamidad na ito. At higit sa lahat, sisikapin kong higit na maingatan ang buhay at ang kapaligiran.