IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang platform para sa mga eksaktong sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.
Sagot :
1. Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng mundo, kasama ang mga bansa, rehiyon, klima, populasyon, at iba pang mga katangian ng daigdig. Ito ay nagtutuon sa, paglalarawan, at pagsasaliksik ng mga anyo ng lupa at tubig sa mundo. Ang salitang heograpiya ay galing sa dalawang salitang Griyego: geo na nangangahulugang lupa graphein na nangangahulugang magsulat o maglarawan
2. Ang lugar ay tinatawag ding pook o lokasyon sa mundo. Mayroong dalawang pangunahing kahulugan ang lugar.
3. Ang lokasyon ay eksaktong posisyon o lugar kung saan matatagpuan ang isang bagay o lugar sa mundo. Sa madaling salita, ang lokasyon ay ang sagot sa tanong na "Nasaan?"
4. Ang relihiyon ay sistema ng paniniwala, at kinaugalian na may kaugnayan sa espiritwalidad o pananampalataya sa isang Diyos o mga Diyos. Ang relihiyon ay binubuo ng libo-libo sa buong mundo ngunit narito ang apat na pinakamalaking relihiyon.
- Kristiyanismo - Ito ang pinakamalaking relihiyon sa mundo, dito tinuturo ang pananampalataya kay Hesukristo bilang Anak ng Diyos
- Islam - Ito naman ang pangalawang pinakamalaking relihiyon sa mundo, dito tinuturo ang pananampalataya kay Allah bilang iisang Diyos at kay Propeta Muhammad bilang huling propeta.
- Hinduismo - Ito ang sinaunang relihiyon na nagmula sa bansang India, na nagtuturo ng iba't ibang mga diyos at diyosa, at ang konsepto ng reincarnation.
- Budismo - Ito din ay nagmula sa bansanf India na nagtuturo ng pananampalataya sa apat na marangal na katotohanan at ang walong marangal na landas.
5. Ang kontinente ay isang malaking bahagi ng lupa na hinati batay sa heograpiya at lokasyon. Narito ang Pitong Kontinente sa mundo.
6. Ang pulo ay maliit na bahagi ng lupa na napaliligiran ng tubig, tulad ng isang isla.
7. Ang tangway ay isang makitid na anyo ng lupain na lumalabas sa tubig, karaniwang napaliligiran ito ng tubig sa tatlong gilid nito.
8. Ibigay Ang pitong kontinente
- Africa - Ang Africa ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa mundo, kilala ang bansang ito sa mga disyerto, savanna, at mga kagubatan.
- Antarctica - Ang pinakamalamig na kontinente sa mundo, na sakop ng yelo.
- Asya/Asia - Ang pinakamalaking kontinente sa mundo, na tahanan ng iba't ibang kultura.
- Europa/Europe - Ang pangalawang pinakamaliit na kontinente sa mundo, sila ay kilala sa mga makasaysayang lungsod at kultura.
- North America - Ang pangatlong pinakamalaking kontinente sa mundo, na naglalaman ng Estados Unidos at Canada.
- Australia - Ang pinakamaliit na kontinente sa mundo, na kilala sa mga disyerto at rainforest.
- South America - Ang pang-apat na pinakamalaking kontinente sa mundo, na kilala sa Amazon rainforest .
9. Ang likas na yaman ay tumutukoy sa mga bagay na matatagpuan natin sa kalikasan ito ay nagbibigay ng benepisyo sa mga tao. Ito ay napagkukuhaan na hindi ginawa ng isang tao ngunit ito ay may malaking halaga sa kanila. Narito ang mga uri ng likas na yaman
10. Ang wika ay sistema ng komunikasyon na ginagamit ng mga tao upang magpahayag ng kanilang saloobin, ideya, at pangangailangan.
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.