Makakuha ng maaasahan at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.
Explanation:
Ang korido ay isang popular na pasalaysay na awit at panulaan na isang uri ng ballad. Isang uri din ito sa panitikang Pilipino,na nakuha ang impluwensiya mula sa Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula. Ito ay binibigkas sa kumpas na martsa allegro. May kabilisan ang uri ng panitikan na ito.
samantalang
ang epiko naman ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.