IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang hakbang ng pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao ng ating mga kababayan. Nagbibigay ito ng kondisyonal na tulong-pinansiyal para sa pinakamahihirap na Pilipino upang pabutihin ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0 hanggang 18 taong gulang. Kailangang matupad ng mga pamilya ang mga kondisyon ng pamahalaan upang maibigay sa kanila ang tulong-pinansiyal. Halaw ito sa programang Conditional Cash Transfer (CCT) ng mga bansa sa Latin Amerika at Aprika, na naialpas sa kahirapan ang milyon-milyong tao sa buong mundo.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang punong ahensiya ng pamahalaan na namamahala sa 4Ps.
MGA LAYUNIN
May dalawang kambal na layunin ang 4Ps bilang pangunahing programa kontra-kahirapan ng administrasyong Aquino:
- social assistance: pagbibigay ng pinansiyal na tulong sa pinakamahihirap na mga pamilya upang tugunan ang pangunahin nilang pangangailangan; at
- social development: pagsira sa siklo ng kahirapang naipapasa sa bawat henerasyon sa pamamagitan ng pamumuhunan sa kalusugan at edukasyon ng mahihirap na kabataan. Sasailalim sila sa mga programa tulad ng:
- check-up para sa mga buntis at batang may edad 0 hanggang 5 taong gulang;
- pagpupurga ng bulate ng mga mag-aaral edad 6 hanggang 14;
- pag-eenrol ng mga bata sa daycare, elementarya, at hayskul; at
- mga sesyon na tutulong sa pagpapabuti ng samahan ng pamilya.
Explanation:
Tama po ba sorry kung hindi ah
Maraming salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.