Naging interesado ang mga Kanluraning bansa na sakupin ang Indonesia dahil sa interes nila sa mga pampalasa. Masagana ang Indonesia sa mga pampalasa katulad na lang ng Spice Islands o ang Moluccas. Isa pa ay dahil gusto nilang makontrol ang kalakalan ng Indonesia. Nagtatag sila ng Monopolyo sa kalakalan ng Indonesia at dahil dito, nakontrol nila ang pakikipagkalakalan ng Indonesia sa ibang bansa.