1.Ako'y naglalakad papuntang Kalumpit,Ako'y nakarinig ng huni ng pipit,Ang wika sa akin, ako raw ay umawit,Ang aawitin ko'y buhay na matahimik.
2.Ako'y naglalakad sa dakong Malabon, Ako'y nakakita isang balong hipon,Ang ginawa ko po ay aking nilusong,Kaya't lahat-lahat ng hipon, nagsitalon.
3.Ako'y naglalakad sa dakong Arayat,Nakapulot ako ng tablang malapad,Ito'y ginawa kong 'sang kabayong payat,Agad kong sinakyan, ito'y kumaripas.
4.Ako'y naglalakad sa dakong Bulacan,Nahuli kong hayop, niknik ang pangalan,Aking iniuwi at aking kinatay,Ang nakuhang langis, siyam na tapayan.
5.Ako'y naglalakad sa dako ng Tondo,Ako'y nakasalubong 'sang tropang sundalo,Inurung-urungan ko bago ko pinuwego,Pung! Pung!... walang natira kundi isang kabo.