Answered

IDNStudy.com, ang iyong pangunahing mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.

ano ang kahulugan ng sibilisasyon?

Sagot :

Answer:

Ang sibilisasyon ay isang masulong na yugto ng kaunlaran ng isang lipunan.  Nagmula ang salitang  sibilisasyon sa Latin na  civis  na may ibig sabihing isang taong naninirahan sa isang bayan. Naiisip nating sibilisado ang mga tao kapag tinipon nila ang kanilang mga  sarili upang maging isang mabisa at matatag na pangkat, sa halip na gumagalaw ng magkakahiwalay o bahagi lamang ng isang tribo. Lampas dito, inaasahan nating makikilala ang alin mang kabihasnan sapamamagitan ng kanilang wika, sining, arkitektura, edukasyon, at nakamit na gawaing intelektuwal,pamahalaan, at kakayahan makapagtanggol ng sarili.

Para sa karagdagang impormasyon maaaring sumangguni sa link na ito: https://brainly.ph/question/209065

Katangian ng sibilisasyon

  • pulitika
  • relihiyon
  • teritoryo
  • kalusugan
  • kagamitan
  • imprastaktura

Para sa karagdagang impormasyon maaaring sumangguni sa link na ito: https://brainly.ph/question/54446

Epekto ng Sibilisasyon

  1. Ang kumplikadong anyo ng pamahalaan ay nabuo
  2. Ang mga sining ay nagiging mas detalyado
  3. Ang pagiging dalubhasa sa trabaho ay humahantong sa mga social class
  4. Natuto ang mga tao sa pagsulat
  5. Nalupig ang mga kalapit na mga lupain

Para sa karagdagang impormasyon maaaring sumangguni sa link na ito: https://brainly.ph/question/220271

Ang iyong kontribusyon ay mahalaga sa amin. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong kaalaman. Sama-sama nating palawakin ang ating komunidad ng karunungan at pagkatuto. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.