IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at eksaktong mga sagot. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.

Magawa ang hakbang sa pagtatakda sa sarili sa pagsasabuhay ng katapatan Ilarawan mo ang iyong sarili kung saan naipakikita mo ang pagiging tapat sa salita at sa gawa sa pamamagitan ng pagguhit.​

Sagot :

Answer:

Huwag kang magnanakaw. Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa.

Exodo 20:15–16

Maging tapat sa inyong sarili, sa kapwa, at sa Diyos sa lahat ng panahon. Ang ibig sabihin ng pagiging matapat ay ang piliing huwag magsinungaling, mandaya, o manlinlang sa anumang paraan. Kapag kayo ay tapat, pinalalakas ninyo ang inyong pagkatao at dahil dito ay makapaglilingkod kayo nang lubos sa Diyos at sa iba. Bibiyayaan kayo ng kapayapaan ng isipan at paggalang sa sarili. Pagtitiwalaan kayo ng Panginoon at magiging karapat-dapat na makapasok sa Kanyang mga banal na templo.

Ang pagiging hindi matapat ay nakasasakit sa inyo at sa iba. Kapag kayo ay nagsisinungaling, nagnanakaw, nangungupit, o nandaraya, pinipinsala ninyo ang inyong espiritu at ang pakikipag-ugnayan ninyo sa iba. Ang pagiging tapat ay magpapaganda ng inyong mga oportunidad sa hinaharap at magdaragdag sa inyong kakayahang magabayan ng Espiritu Santo. Maging tapat sa paaralan; piliing huwag mandaya sa anumang paraan. Maging tapat sa inyong trabaho, na tinutumbasan nang husto ang buong halagang ibinabayad sa inyo. Huwag mangatwiran na tanggap naman ang pagiging di-matapat, kahit isipin pa ng iba na hindi ito mahalaga.

Magkaugnay ang katapatan at integridad. Ang integridad ay pag-iisip at paggawa ng tama sa lahat ng panahon, anuman ang mangyari. Kapag kayo ay may integridad, handa kayong ipamuhay ang inyong mga pamantayan at paniniwala kahit walang nakamasid. Mamuhay sa paraang ang mga iniisip at ikinikilos ninyo ay palaging akma sa ebanghelyo.

Alma 27:27; 53:20

Explanation:

I hope this what you looking for But if its not Sorry i didn't get it much pa Brailiests po if it is ok for you