IDNStudy.com, ang perpektong platform para magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
MGA DATOS O KAGAMITANG KAILANGAN SA PAGBUO NG TRAVEL BROCHURE TUNGKOL SA MINDANAO
Narito ang ilan lamang sa mga halimbawa na maaaring gamitin.
1. Glossy Paper
Dito ilalagay o ipi-print ang mga larawan at impormasyon na nais mong ilagay sa iyong travel brochure.
Maaari ring gumamit ng kahit anong makapal na papel.
2. Larawan
Kumuha ng mga larawan ng lugar, bagay at iba pa na nais mong ilagay sa iyong brochure.
3. Kompyuter
Gagamitin ito sa pag-ayos o pag-edit ng mismong brochure.
4. Gunting
Pang-gupit sa mga disenyong nais ilagay sa brochure.
5. Glue
Pandikit sa mga disenyo na ginupit.
6. Colored paper
Maaaring gamitin sa paglalagay ng disenyo sa brochure.
7. Impormasyon tungkol sa Mindanao
Sa paggawa ng brochure, dapat ay may sapat na impormasyon tungkol sa bagay at lugar na ilalagay.
Alamin ang mga impormasyon tulad ng kasaysayan, mapa, lugar na pang-turismo at iba pa.
8. Lapis o Ballpen
Pang-guhit o panulat.
9. Cutter
Maaaring gamiting alternatibo kapag hindi kayang gupitin ng gunting ang ibang kagamitan sa pag-disenyo.
10. Iba pang gamit sa pag-didisenyo
Tulad ng glitters at iba't ibang uri ng magagandang papel.
MGA PARAANG GAGAMITIN SA PAGKUHA NG MGA DATOS
1. Internet
Maaaring kumuha sa internat ng mga larawan at impormasyon tungkol sa Mindanao.
2. Camera
Maaari ring ikaw mismo ang kumuha ng larawan ng mga lugar o bagay na nais mong ilagay sa brochure.
3. Interview
Kung ikaw ay may kakilala na dati o kasalukuyang naninirahan sa Mindanao, maaari mo silang tanungin tungkol sa mga lugar o bagay na makikita sa kanilang lugar.
4. Survey
Para makakalap pa ng ibang impormasyon, maaari kang magtanong-tanong sa pamamagitan ng survey.
5. Books o mga Aklat
Maaaring kumuha ng iba pang mga impromasyon sa aklat.
6. Social Media
Dahil halos lahat ay mayroon nang social media, maaari ka ritong maghingi ng suhestiyon tungkol sa mga bagay-bagay na makikita sa Mindanao.
7. Ang mga kagamitan tulad ng gunting, pandikit at pang-disenyo ay maaari nang makita sa iyong bahay.
8. Ang mga kagamitan naman tulad ng glossy paper, glue, colored paper, cutter at iba pa ay mabibili sa mga bookstore.
9. Kung walang kompyuter sa bahay, maaari kang pumunta sa malapit na computer shop o sa mga kakilala na mayroong kompyuter
Explanation:
Hope it helps
Pls pa brainliest kung mabait
Correct me if im wrong
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.