IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.

sagotin nyu nga ito ​

Sagotin Nyu Nga Ito class=

Sagot :

PAG-IBIG

Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha!

Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang talata.

Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata,

tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.

Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso;

pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo makuro.

Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo. . . naglalaho,

layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo.

Ang pag-ibig na dakila’y aayaw ng matagalan,

parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.

Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang sa halikan,

at ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang.

Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos,

walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos.

Ang pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod

pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog.

Ang pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral,

tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,

ngunit kapag nag-alab na’t pati mundo’y nalimutan

iyan, ganyan ang pag-ibig, damdamin at puso lamang!