IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at maaasahang mga sagot. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.
Sagot :
Explanation:
Unang-una, gaya ng nakasaad sa resolusyon ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP), Tagalog ang tumutugon sa lahat ng pangunahing kailangan ng Batas 184. Lumitaw sa pag-aaral ng SWP na Tagalog ang wikang pinakamaunlad sa estruktura, mekanismo, at panitikan, at ito rin ang wikang ginagamit ng nakararaming mamamayan. Isa sa mga naka-pagpayaman ng panulaang Tagalog ay ang makatang si Francisco “Balagtas” Baltazar, ang itinuturing na “Ama ng Panulaang Tagalog,” na kinilala dahil sa kaniyang Florante at Laura bukod sa iba pa niyang mga sinulat.
Bakit Tagalog ang napiling batayan ng Pambansang Wika?
Unang-una, gaya ng nakasaad sa resolusyon ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP), Tagalog ang tumutugon sa lahat ng pangunahing kailangan ng Batas 184. Lumitaw sa pag-aaral ng SWP na Tagalog ang wikang pinakamaunlad sa estruktura, mekanismo, at panitikan, at ito rin ang wikang ginagamit ng nakararaming mamamayan. Isa sa mga naka-pagpayaman ng panulaang Tagalog ay ang makatang si Francisco “Balagtas” Baltazar, ang itinuturing na “Ama ng Panulaang Tagalog,” na kinilala dahil sa kaniyang Florante at Laura bukod sa iba pa niyang mga sinulat.
Bago pinagtibay ang Batas Komonwelt Big. 184 noong Nobyembre 13, 1936, si Pangulong Quezon ay pinadalhan ni Norberto Romualdez, Tagapanguio ng Komite sa Pambansang Wika ng Unang Pambansang Asamblea, ng Memorandum Sobre la Lengua Nocional, na nagsasaad na sa lahat ng katutubong wika, ang Tagalog ang may pinakamauniad na katangiang panfoob: estruktura, mekanismo, at panitikan, at bukas sa pagpapayaman at pagdaragdag ng bokabularyo. Ito rin ang pinakakatanggap-tanggap sa nakararaming mamamayan; ginagamit na ito ng marami kaya’t di na magiging suliranin ang adapsiyon nito bilang pambansang wika ng Pilipinas.
Gayunman, hindi idineklara ang Tagalog na pambansang wika, kundi “base sa Tagalog” ang pambansang wika. Sa kaniyang pananalita noong Disyembre 30, 1937, iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang pagpapatibay sa adapsiyon ng Tagalog bilang basehan ng pambansang wika ng Pilipinas at idinagdag, “and hereby declare and proclaim the national language so based on the Tagalog dialect, as the national language of the Philippines.”
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong magtatagumpay. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.