Tuklasin kung paano ka matutulungan ng IDNStudy.com na makuha ang mga sagot na kailangan mo. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.

ano ang kahulugan ng " matibay ang walis palibhasa'y nabibigkis"



Sagot :

Ito ay isang idiomatikong pananalita na tumutukoy sa katangiang “PAGKAKAISA”.  Kapag mayroong pagkakaisa, nagiging matibay ang mga samahan at pakakaibigan kahit pa sa mga matitinding sitwasyong darating.

Pero ang pagkakaisang ito ay maaaring mawala kung wala ang “bigkis” nito.  Sa katunayan, kahit pa magkaisa ang mga samahan kung hindi naman ito nagmumula sa puso, hindi rin ito magtatagal at magkakawatak-watak rin.  Kaya ano ang “bigkis” na ito upang manatili sa pagkakaisa?  Ito ay ang bigkis ng “PAG-IBIG”.  Kapag may pagkakaisa ang mga miyembro, at mayroong parang bigkis na nag-uugnay sa kanila, samakatuwid ang pag-ibig, nagiging matibay ito maging sa paglipas ng panahon.