IDNStudy.com, ang perpektong platform para magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

anu-ano ang tema ng heograpiya at ipaliwanag

Sagot :

Ang limang tema ng heograpiya ay ang lokasyon, lugar, rehiyon, paggalaw at ang interaksyon ng tao sa kapaligiran. Ang lokasyon ay tumutukoy sa kinalalagyan o kinaroroonan ng iba't ibang lugar sa daigdig na nahahati sa dalawa, ang absolute o ganap na lokasyon at ang relatibong lokasyon. Ang lugar naman ay ang mga natatanging katangian na matatagpuan sa isang lugar. Ang pagkakabuklud-buklod ng magkaparehong kultural at katangiang pisikal ng isang lugar ay pinangalanang rehiyon. Ang paggalaw ay tumutukoy sa pagkilos o paglipat ng mga tao sa naunang lugar patungo sa isa pang lugar. Samantalang, ang interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran ay ang relasyon o ang pakikipag-ugnayan ng tao sa isang lugar na siyang pinagkukunan nito ng pangangailangan.