Makahanap ng mabilis at maaasahang mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

I need a peom ! -tagalog pleaseee ?

Sagot :

kapansin-pansin sa kilos at suot. kumekendeng-kendeng, kumekembot-kembot. kumikinang ang hikaw at kwintas, magarang-magara sapatos na wagas. kukong mapulang-mapula at koloreteng nasa mukha. pagdating sa kanilang bahay , ako ay naawa, aking kapit bahay na sosyal sa eskwelahan. bubong sira-sira, pinto'y inaanay na. suot ng mga magulang niya'y butas-butas na.
-by Vinna Faye

ANG HALIK NI  INA 

Ang mata ni ina'y bukalan ng̃ luha
Kung may dala-dalang damdamin at awa,
Ang lahi ni ina'y sampagang sariwa
Na may laging laang halik at kaling̃a.

Sa halik ni Ina ay doon nalagas
Ang tinik at bulo ng̃ musmos kong palad,
Sa halik ni ina'y aking napagmalas
Na ako'y tao na't dapat makilamas.

Ang bibig ni inang bibig ng̃ sampaga'y
Bibig na sinipi kina Clara't Sisa
Kaya't mayrong bisang kahalihalina.

Ang halik ng̃ ina'y apoy sa pagsuyo,
Hamog sa bulaklak, Pag-asa sa puso't
Liwanag sa mg̃a isipang malabo.