Pinili ng mga eksperto na salita ng taon ang 'fotobam,' pandiwa na ang ibig sabihin ay sirain ang eksena sa pamamagitan ng pagsingit sa kuwadro ng kamera habang may kinukunan ng retrato
MAYNILA, Pilipinas – Itinanghal ang "fotobam" bilang Salita ng Taon 2016 nitong Huwebes, Oktubre 6, sa ikalawang araw ng Pambansang Kumperensiya sa Wikang Filipino na ginanap sa Diliman campus ng Unibersidad ng Pilipinas (UP).
Napili ang "fotobam" – na ipinasa ni Michael Charleston Chua – mula sa 10 salita na lumahok sa timpalak ngayong taon.