Magtanong at makakuha ng malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

10 halimbawa ng pandiwang aksyon karanasan pangyayari

Sagot :

MGA HALIMBAWA NG PANDIWANG AKSYON, KARANASAN AT PANGYAYARI

Mga Halimbawa ng Pandiwang Aksyon

  1. Naglakbay siya patungo sa direksyon na ibinigay sa kanya.
  2. Tumalima si Pedro sa mga hinihingi ni Cora.
  3. Pumarada ang sasakyan sa harapan ng hotel.
  4. Tumalon ang aso sa kariton na sinasakyan nito.
  5. Siya ang nagligpit sa mga hugasin.
  6. Tinalon niya ang mahabang pader para masilayan ang dalaga.
  7. Tinapos na niya ang ugnayan nilang dalawa.
  8. Hiniwalayan niya ang kanyang kasintahan.
  9. Nag-aaral si Donna ng martial arts.
  10. Nag-eehersisyo ang kapitbahay namin na gwapo.

Mga Halimbawa ng Pandiwang Karanasan

  1. Tumawa si Bumabakker sa paliwanag ni Bugan.
  2. Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang pangyayari.
  3. Umiyak ang binata matapos siyang iwan ng kasintahan.
  4. Masaya na umuwi sa kanilang bahay ang bata.
  5. Nagalit ang presidente sa mga terorista.
  6. Si Krista ay nahiya sa kanyang ginawa.
  7. Nalungkot ang bata sa pagkawala ng kanyang alagang aso.
  8. Naghirap ang OFW sa kamay ng kanyang employer.
  9. Naiinlab ako sa iyo.
  10. Labis ang aking tuwa ng ikaw ay masilayan.

Mga Halimbawa ng Pandiwang Pangyayari

  1. Nalunod ang mga tao dahil sa matinding baha.
  2. Namatay si Kahel dahil sa nainom niyang lason.
  3. Pumasa siya dahil sa pagsali niya sa online review.
  4. Si Diana ay pumayat dahil sa araw-araw niya na pag-eehersisyo.
  5. Yumaman si Manny dahil sa kanyang pagtatrabaho buong araw.
  6. Nanalo si Pepito sa lotto matapos niyang tayaan ang lahat ng numero.
  7. Nadapa ang bata dahil sa mabilis niya na pagtakbo.
  8. Tumaya siya sa lotto dahil sinabihan siya ni Pedro.
  9. Tinanggap niya ang ayuda dahil hindi na sila nakakakain.
  10. Natanggap siya sa trabaho dahil sa maayos niya na pagsagot.

Karagdagang impormasyon:

Ano ang pandiwang aksyon, karanasan, at pangyayari

https://brainly.ph/question/133341

https://brainly.ph/question/133357

#LearnWithBrainly

Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.