IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

ano ang panahong neolitiko

Sagot :

Neolitiko:

Ang salitang neolitiko ay nagmula sa mga katagang Griyego na neo at lithos na ang ibig sabihin ay bagong bato. Sa kasaysayan, ito ay tumutukoy sa panahon na kung saan ang pagpapabago sa kabuhayan ng tao ay umabot sa mataas nitong antas. Ang mga pagbabagong ito ay bunsod ng pagkakaroon ng mataas na antas ng teknolohiya.  

Kahulugan ng neolitiko: https://brainly.ph/question/51457

Mga Katangian ng Neolitiko:

  1. Pagtatanim at pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng tao. Dahil sa ang mga ito ay pangmatagalang hanap – buhay, naging permanente ang pananayili ng mga tao sa isang lugar.
  2. Nagsimula ang pagpapalayok at natutunan ng mga tao ang paggawa ng mga bagay na gawa sa putik tulad ng bricks na ginagamit sa paggawa ng bahay.
  3. Napakinis ng mga tao ang mga magagaspang na bato at ginawang iba't ibang hugis at laki ayon sa kanilang gamit.
  4. Natutunan ng mga tao ang paggamit ng mga alagang hayop tulad ng kabayo, baka, kalabaw, at aso bilang sasakyan o tagahilang parago o karuwahe.
  5. Nakapag -imbak ng maraming bagay ang mga tao hindi lamang para sa sariling gamit kundi upang makipagpalitan ng produkto. Dito nag simula ang sistemang barter o ang pagpapalitan ng produkto ng mga pangkat ng tao.
  6. Nagsimula ang konsepto ng palengke kung saan higit na maayos ang sistema ng palitan ng mga produktong mga tao.
  7. Ginamit ng Mesopotamia ang buto ng cacao bilang pambayad o pamalit sa mga palengke.

Katangian ng neolitiko: https://brainly.ph/question/173578

                                   https://brainly.ph/question/850837

Pagpapalawig:

  • Sinasabing nagsimula ang panahong neolitiko sa pagitan ng 8000 hanggang 6000 B.C.E. Sa panahong ito ay nakita ang pinaunlad ang sektor ng agrikultura gamit ang makabagong makinarya at natuto ang mga tao na magpaamo ng mga hayop. Naging mas bihasa din ang mga tao sa paggawa ng mga kasangkapang yari sa bato. Maging ang kanilang mga tahanan ay mas malaki at pulido gamit ang mga materyales na tulad ng graba, semento at buhangin na hindi pa nauso ng panahong paleolitiko.
  • Sa panahon ding ito nagsimulang magtayo ang mga tao ng matitibay na templo upang maging sentro ng kanilang pagsamba at relihiyon. Ang isa sa mga natatanging pagkatuklas ay ang kagalingan sa paggamit ng apoy na nagdulot sa kanila ng kaalaman sa mahusay na paggawa ng palayok. Dito na rin umusbong ang pamilihan at pagpapalitan ng kalakal.  
  • Mga halamang ligaw ang karaniwang kinakain noon ng mga taong nabuhay sa panahon ng neolitiko. Karaniwang ginagalugad nila ang kagubatan, kapatagan at minsan ang mga matutubig na lugar. Sapagkat ang mga kalalakihan ang nangangaso kaya ipinapalagay ng ilang eksperto na mga babae ang mga unang naging magsasaka.
  • Natuto na rin ang mga taong  tumira at manahanan sa isang pamayanan. Hinihinuha na dito na rin nabuo ang konsepto ng pamilya at tahanan. Ang pamilya ay ang pinakamaliit na unit ng isang lipunan na binubuo ng ama, ina, at mga anak.
  • Nagiimbak na rin sila ng mga pagkain, gumagawa ng mga palayok upang lagayan ng mga tubig at imbakan ng mga binhing itatanim sa susunod na taniman at imbakan na rin ng kanilang mga pagkain. Sa panahong ito rin nagsimula ang konsepto ng pagmamay-ari ng mga ari-arian, at dahil dito ay nagsimula na rin ang sistemang antas panlipunan.