IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto at komunidad. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.

Tula tungkol sa pagmamahal


Sagot :

Ang aking ina

Ako ay mayroong Inang minamahal

Na di malimutan at paglilingkuran

Habang buhay, siya'y aking itatanghal

At ang aking dasal, ay siya'y maging tagumpay.

Ang pagkatao ko ay utang sa inang nagluwal sa akin

Ang laman ko't buto kahit na durugin

Ay hindi katumbas ng kanyang paggiliw

Siya'y lilingapin ng pagmamahal kong walang pagmamaliw.

Mulang pagsilang na ako'y iduyan

Sa bisig ng kanyang mga pagmamahal

Kahit ako'y tulog, laging pinagmamasdan

Para ang mga insekto ay hindi makalapit sa aking katawan.

Aking nabatid ang puhunang hirap

Sa akin si Ina'y, wala ng katumbas Kung ako'y maysakit, siya'y nagpupuyat

At di maiwalay sa akin ang malas.