IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang platform para sa mga eksaktong sagot. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.

1.Anong nagtulak kay Don Pedro upang muling ipahamak ang bunsong kapatid sa pamamagitan ng

pagpapakawala sa Ibong Adarna?

a. pagkainggit sa pagkahuli ni Don Juan sa Ibong Adarna

b. paghihiganti sa kahihiyang natamo sa pagkahuli ni Don Juan sa Ibong Adarna

c. pagseselos sa atensiyong ibinibigay ng magulang kay Don Juan mula’t sapul sa kanilang pagkabata

2. Bakit natakot si Don Juan, matapos malamang nawala ang Ibong Adarna?

a. natakot siyang mapagalitan o maparusahan ng amang hari dahil sa kanyang kapabayaan

b. natakot siyang muling magkasakit ang amang hari dahil sa pagkawala ng Ibong Adarna

c. natakot siya kung papaano mapagtatakpan ang ginawang kataksilan ng kanyang dalawang kapatid

3. Bakit nagpasiyang umalis sa kaharian si Don Juan?

a. upang mapagtakpan ang ginawang kataksilan ng dalawang kapatid

b. upang matakasan ang parusang ipapataw ng mahal na amang hari

c. upang muling hanapin ang Ibong Adarna at maiwasan ang galit ng hari

4. Anong nais ipahiwatig ng sagot nina Don Pedro at Don Diego kaugnay sa pagkawala ng Ibong Adarna:

“Ama ewan, ang bantay po’y si Don Juan.”

a. paninisi

b. pagkalimot

c. paghuhugas kamay

5. Anong ibig sabihin ng saknong na ito?

“Subalit O! yaong inggit, sawa’ng maamo’y bumabangis! Pag sinumpong maging ganid panginoo’y

nililingkis.”

a. ang ahas ay nakatatakot kapag nagagalit sapagkat ito ay nanlilingkis

b. ang inggit ay tulad ng isang ahas na kapag umusbong sa puso ng isang tao ay mahirap pigilan

c. ang inggit ay tulad ng isang mabangis na ahas na pumupulupot at walang isinasaalang-alang kahit na

sinong tao​