IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.
Sagot :
Mga samahang pang kababaihan
Timog Asya
- India - Bharat Aslam na itinatag ni Keshab Chunder Sen ng Bramo Samaj; Arya Mahila Samaj na pinamunuan ni Pandita Ramabai at Justice Ranade; Bharat Mahila Parishad at Anjuman e Khawatin e Islam sa pangunguna ni Amir un Nisa. Ang ilan sa mga ito ang siyang nagbigay daan sa pagtataguyod ng kanilang karapatan sa pantay na edukasyon. Ito ang nagsilbing susi upang maitaguyod din ng mga kababaihan ang kanilang karapatan sa edukasyon.
- Pakistan - sila ang isa sa mga nanguna sa pagtataguyod ng pagkakaroon ng demokrasya sa bansa. Bukod dito, itinatag din ang United Front for Women’s Rights o UFWR na mayroong tungkulin na pangalagaan ang mga karapatan ng kababaihan.
- Sri Lanka - nabigyan ng pagkakataon na makapagsalita ang mga kababaihan noong naganap ang 1994 election. Nagkaroon din ng Mother’s Front na siyang lumaban sa ilegal na pagkakakulong ng mga mamamayan. Itinatag din ang Women for Peace para sa paglaban naman sa pagkakaroon ng pantay na karapatang sibil
- Bangladesh - ang mga kababaihan ang nanguna sa pagpapaalis sa pwesto ng mga lider na abusado. Nagkaroon ng Collective Women’s Platform bilang paglaban sa mga karahasan na nararanasan ng mga kababaihan.
Kanlurang Asya
- Israel - Isha L’Isha-Haifa Feminist Center; Women's Coalition for a Just Peace; hinikayat ang mga kababaihan na makiisa sa mga negosasyon o pag uusap sa pagitan ng mga bansa na mayroong hindi pagkakaunawaan
- UAE - si Sheikha Fatima Bint Mubarak ang nanguna sa pagtataguyod sa karapatan ng mga kababaihan na magkaroon ng pantay na edukasyon at makilahok sa mga usaping pang ekonomiya
- Egypt, Jordan, Lebanon, Palestine, Qatar, UAE, Yemen - Arab Women Connect
Sumangguni sa mga sumusunod na links para sa karagdagang kaalaman ukol sa mga konsepto o ideya na kaugnay ng paksa ng mga samahang pangkababaihan:
Mga halimbawa ng samahang pangkababaihan https://brainly.ph/question/2066671
Mga nanguna sa pagtatatag ng samahang pangkababaihan https://brainly.ph/question/1215157
Ano ano ang mga epekto ng pagkakaroon ng samahang pangkababaihan? https://brainly.ph/question/525535
#LearnWithBrainly
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng isang komunidad ng karunungan at pagkatuto. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.