IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Walang dapat tumutol sa panawagang magkaisa tayo para mapag-ibayo ang ating malasakit sa kapakanan at kinabukasan ng ating mga anak—ang bagong henerasyon.
Maaalala nating lahat ang ating nadama nang isang batang musmos ang umiyak at humingi ng tulong sa atin. Ibinigay sa atin ng mapagmahal na Ama sa Langit ang damdaming iyon para hikayatin tayong tulungan ang Kanyang mga anak. Gunitain sana ang damdaming iyon habang tinatalakay ko ang ating responsibilidad na protektahan at pangalagaan ang kapakanan ng mga bata.
Nagsasalita ako ayon sa pananaw ng ebanghelyo ni Jesucristo, kabilang na ang Kanyang plano ng kaligtasan. Iyan ang tungkulin ko. Ang mga lokal na lider ng Simbahan ay may responsibilidad sa iisang lugar, gaya ng ward o stake, ngunit ang isang Apostol ay responsableng sumaksi sa buong mundo. Sa bawat bansa, ng bawat lahi at doktrina, lahat ng bata ay anak ng Diyos.
Kahit hindi ako nagsasalita tungkol sa pulitika o patakarang pampubliko, gaya ng iba pang mga lider ng Simbahan hindi ako maaaring magsalita para sa kapakanan ng mga bata nang walang mga pahiwatig tungkol sa mga pagpapasiya ng mga mamamayan, opisyal ng pamahalaan, at nagtatrabaho sa mga pribadong organisasyon. Lahat tayo ay inutusan ng Tagapagligtas na mahalin at pangalagaan ang isa’t isa at lalo na ang mahihina at walang kalaban-laban.
Ang mga bata ay madaling mabiktima. May kakatiting o wala silang lakas na protektahan o paglaanan ang kanilang sarili at maliit ang impluwensya nila sa napakaraming bagay na mahalaga sa kanilang kapakanan. Kailangan ng mga bata ng ibang taong magsasalita para sa kanila, at mga taong magpapasiya na unahin ang kanilang kapakanan kaysa mga sakim na interes ng matatanda.
Explanation:
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!