IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng eksaktong at maaasahang mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Answer:
Sa gitna ng labanan,
ISIP at PUSO'y naglalaban,
Anong mas mauuna sa akin?
Ang PUSO'y nagpapahiwatig,
Ang ISIP'y nagpapaliwanag,
Sa akin'y nagpapasya.
Sa mundo ng emosyon,
Ang PUSO'y nagpapahiwatig,
Sa mundo ng rason,
Ang ISIP'y nagpapaliwanag,
Sa akin'y nagpapasya.
Sa gitna ng pagpili,
Ang ISIP'y nagpapahiwatig,
Sa gitna ng pag-ibig,
Ang PUSO'y nagpapaliwanag,
Sa akin'y nagpapasya.
Sa akin'y nagpapasya,
Ang ISIP at PUSO'y naglalaban,
Sa akin'y nagpapasya,
Ang PUSO'y nagpapahiwatig,
Ang ISIP'y nagpapaliwanag.
TULAANG BALAGTASAN
"Anong mas mauuna, ISIP o PUSO?"
(Lakandiwa)
PAGPIPINID:
Magsitigil na kayong dalawang nagdèdepensahan,
Parehong may angking kahusayang mangatwiran,
Ngunit, sino nga ba ang magwawagi?,
Nawa't kayo'y pumanig sa mabuti.
Tayo ngayo’y nahahati, kung ano nga ba ang dapat pairalin,
Marapat nga na ating timbangin, kung ano ang dapat sundin,
Ang isip ba, na siyang nag-didikta ng dapat gawin?,
O ang puso, na siyang nagpapasigla ng ating damdamin?.
Kung papipiliin ka sa dalawang nasambit,
Alin ba ang marapat para sa sarili'y igiit?
Ang pusong nagsasabi ng tapat?,
O ang isip na nagsasabi kung ano ang dapat?,
Mamahalin mo pa ba kahit ika'y nasasaktan na?
O pararayain mo na siya ‘pagkat hindi mo na kaya?,
Alin ba ulit ang dapat sundin?
Mga manonood at tagapakinig, halina't inyong pakasuriin.
EKSPLANASYON:
Ang Balagtasan ay isang masining na panitikang binuo ni Francisco Balagtas na nagmula mismo sa kanyang apelyido at itinuturing isang makasaysayan at importanteng literaturang kanyang nilikha sa kanyang kapanahunan. Kung ating pakasusuriin, gaya din nito ang paraan ng debate ngunit ang balagtasan ay nasa patulang pamamaraan. Kaya naman, mas lalo nating mararamdaman ang ipinahihiwatig ng mga mambabalagtas dahil sa tono o pagbigkas na kanilang ihahandog, lakas ng boses, epektibong interpretasyon, emosyon, salitang binibigyang-diin, at iba pa.
Ito rin nilalapatan ng mga elemento na siyang makapagtitiyak sa katumpakan ng isang masining at epektibong balagtasan.
1. TAUHAN
A. Mambabalagtas (2 mambabalagtas)
B. Lakandiwa (Sentro)
C. Manonood
2. PINAGKAUGALIAN
Tatlong uri: Patula
A. Sukat
B. Tugma
C. Indayog (Tono)
3. EMOSYON
4. MENSAHE
- Monologo
- Marapat na makabuluhan ang mensahe
- Aral at Ideya
Para sa karagdagang impormasyon, silipin lamang ang mga link na inilapat sa ibabang bahagi nito:
https://brainly.ph/question/11410613
https://brainly.ph/question/9471648
https://brainly.ph/question/213041
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.