IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa malinaw na mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

Paano nagkakaugnay ang kolonyalismo at imperyalismong kanluranin at nasyonalismong asyano?

Sagot :

Paano nagkakaugnay ang kolonyalismo at imperyalismong kanluranin at nasyonalismong Asyano?

Bakit ba nabuo at umusbong ang damdaming nasyonalismo ng mga Asyano? Simple lang, dahil sa nasyonalismo ng mga dayuhan sa kanilang sariling bansa kaya nabuo ang kolonyalismo at imperyalismo. Bilang pagmamahal sa kanilang bansa, nanakop sila ng mga bansa sa Asya upang lumawak ang kanilang kapangyarihan. Sa kabilang banda, gusto nilang maging masagana ang kanilang bansa kaya sumakop sila ng mga bansa para pagbigyang interes ang mga likas na yaman, mga pampalasa, mga daungan at mga kalakalan sa bansang ito. Dahil sa kanilang pagmamahal sa bansa, ginamitan nila tayo ng dahas upang makamit ang kagustuhan nila. At bilang mga Asyano, nagpakita tayo ng nasyonalismo upang ipaglaban ang ating karapatan at upang makamit ang kalayaan.