Kabihasnang Shang (1570? B.C.E. - 1045 B.C.E.)
- Sinasabing ito ang pinakamaunlad na kabihasnang gumamit ng bronse sa panahong ito.
- Naiwang kasulatan ang panahong ito ang pinakamatanda sa mga panulat sa Tsino na nakasulat sa oracle bones o mga tortoise shell at cattle bones.
- Malimit ang isinagawang pagsasakripisyo ng mga tao lalo na sa tuwing may namatay na pinuno.
- Pinatalsik ang Shang noong 1045 B.C.E.
- Calligraphy ang isa sa kanilang mga kontribusyon at ito na rin ang sistema ng kanilang pagsulat.
- Tagpuan ng kabihasnang Shang ang Ilog Huang Ho na tinawag ding 'Yellow River'.