Ang mga punong-kahoy gaya ng tangili, apiton, yakal, lauan at molave ay ang mga punong kahoy na mas nangangailangan ng mamasa-masa at makakapal na uri ng lupain dahil na rin sa malalaking mga ugat nito na kakapitan ng mga lupa para hindi tuluyang gumuho kapag may baha. Makakatulong sa mabilis na paglaki at pagdami ng mga ganitong uri ng punong-kahoy ang direktang sinag ng araw at tamang dami ng ulan kung kaya't malinaw na karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa bulubunduking bahagi ng Luzon, Mindanao at Bukidnon. Dahil sa tamang mga salik at pag-aalagang natanggap kung kaya't dumarami ang ganitong uri ng mga punong-kahoy sa bansa.