IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw at konkritong sagot. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.
Sagot :
Epiko:
Sagot:
B. Epiko
Paliwanag:
Ang epiko ay tumutukoy sa katutubong panitikan na nagsasalaysay ng kabayanihan at supernatural na mga pangyayari. Katunayan, ito ay isang tulang nagsasalaysay ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng mga katangian na angat sa pangkaraniwang tao na madalas ay nagmula sa lahi ng mga diyos at diyosa. Ito ay karaniwang tumatalakay sa kanyang paglalakbay at pakikidigma.
Ang epiko ay nagmula sa salitang Griyego na epos na ang ibig sabihin ay salawikain o awit. Ito ay karaniwang naglalarawan ng kabayanihan na ang pangunahing layunin ay gisingin ang damdamin ng mga mambabasa upang matamo ang paghanga nila. Kaiba sa trahedya, ang epiko ay pumupukaw sa damdamin bunga ng matagumpay na paglaban sa suliranin ng pangunahing tauhan binibigyang buhay.
Kahulugan ng Epiko: https://brainly.ph/question/369141
Halimbawa:
- Epiko ni Gilgamesh
Paglalarawan:
Ang Epiko ni Gilgamesh ay isang epiko na nagmula sa Mesopotamia at kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Ang kasaysayan ng Gilgamesh ay naisulat bilang limang tulang Sumerian tungkol kay “Bilgamesh” (salitang Sumerian para sa ‘Gilgamesh’) na tumutukoy sa hari ng Uruk. Mula sa magkakahiwalay na kuwentong ito ay nabuo ang iisang epiko.
Halimbawa ng Epiko: https://brainly.ph/question/149927
Kasaysayan ng Epiko:
- Ang pinaka unang epiko ay nagmula sa Mesopotamia na nasa anyong patula at pinamagatang Epiko ni Gilgamesh.
- Noong 800 BC, nagsimulang magsulat si Homer ng epiko na pinamagatang Iliad and Odyssey na nagmula naman sa bansang Gresya. Ito ang naging simula ng epiko sa Europa.
- Samantala, sinimulan naman ni Virgil ang pagsulat ng epiko sa emperyong Romano. Napakaraming epiko ang nalikha sa panahong ito ng Medieval kabilang na ang epikong The Divine Comedy na isinulat ni Dante.
- Sa bansang Amerika ang epiko ay nakilala ng maisulat ang Beowulf.
- Sa Pilipinas, ang epiko ay sumasalamin sa mga kaugalian, mabubuting aral at paniniwala ng mga tao. Ito ay karaniwang nagmula sa mga pangkat na hindi pa nasasakop ng mga makabagong pamamaraan ng pagpapaunlad ng kultura na kinabibilangan ng mga katutubo ng Mountain Province at Mindanao. Ang ilan sa mga ito ay Aliguyon ng mga Ifugao at Biag ni Lam – ang ng mga Ilokano.
Kasaysayan ng Epiko: https://brainly.ph/question/805288
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay at produktibong komunidad ng kaalaman. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.