"Isulong ang Kaunlaran, Wikang Filipino ay Huwag Kalimutan". Ito ay magandang slogan upang maipakita ang papel na ginagampanan ng wikang Filipino sa kaunlaran ng bawat mamamayan. Ang wikang Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas kung kaya't naiintindihan ito ng karamihan sa mg Pilipino sa bansa. Ito ang nagbubukas ng komunikasyon sa bawat Pilipino upang mas maging maayos ang pag-uusap at pagdidiskusyon ng mga tao sa bagay-bagay. Ito ang natatanging paraan upang mabuksan ang pag-iisip ng mga kababayang Pilipino upang mas magkaintindihan at magkaisa para sa kaunlaran.