Kumonekta sa mga eksperto at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.
Sagot :
Answer:
ALIBATA
- Bago pa man dumating ang mga Kastila, tayo ay mayroon nang kinikilalang isang uri ng alpabeto. Ito ang tinatawag nating Alibata, ito ay isang katutubong paraan ng pagsulat ng mga Filipino. Ito ay hango sa Kavi na paraan ng pagsulat ng mga taga-Java.
- Isang uri ng palaybaybayang hatid sa atin ng mga Malayo at Polinesyo. Sinasabing ang Alibata ay may impluwensya ng palatitikang Sanskrito na lumaganap sa India at sa iba pang mga lugar sa Europa at sa Asya.
- Ito ay bahagi ng sistemang Brahmic (na nagsimula sa eskriptong Sanskrit) at pinaniniwalaang ginagamit noong ika-14 siglo. Ito ay patuloy na ginagamit nang dumating ang mga Kastila hanggang sa huling bahagi ng ika-19 siglo. Ang ibang kahalintulad na mga paraan ng pagsulat ay ang mga Hanunóo, Buhid, at Tagbanwa. Ang salitang baybayin sa kasalukuyang wikang Tagalog ay katunayang nangangahulugan ng pagbigkas ng mga titik ng isang salita, o "to spell" sa wikang Ingles.
KARAGDAGANG KAALAMAN TUNGKOL SA ALIBATA
- Ang Alibata ay binubuo ng labimpitong titik: 3 patinig at 14 na katinig. Ang bawat titik ng Alibata ay binibigkas na may tunog na a. Nilalagyan ng tuldok (.) sa ibabaw ng titik kapag bibigkasin ang b ng bi. Nilalagyan ng tuldok (.) sa ilalim ng titik kapag bibigkasing bu ang b. Nilalagyan ng krus (+) sa tabi ng titik kapag nawawala ang bigkas na a sa bawat titik.
- Ang // ang nagpapahayag ng tuldok.
- Kakaiba ang pagsusulat ng alibata hindi katulad ng nakasanayan na ng mga Pilipino. Ang paraan ng pagsulat ng mga katutubo’y patindig, buhat sa itaas pababa at ang pagkakasunod ng mga talata ay buhat sa kaliwa, pakanan.
- Mapapansin na walang titik na E at O sa matandang Alibata. Tatlo lamang noon ang mga patinig: A, I at U. Nang dumating ang mga Kastila ay saka lamang pumasok ang mga tunog na E at O dahil sa mga hiram na salitang Kastila namay ganitong mga tunog. Ang tunog na R ay sinasabing hiram din sa Kastila.
Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:
Kahulugan ng Baybayin: brainly.ph/question/569714
#BetterWithBrainly
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.