Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.
Sagot :
SAGOT:
Ano ang kasingkahulugan ng naulinigan?
Ang kasingkahulugan ng salitang naulinigan ay nadinig/narinig o napakinggan.
Ang naulinigan ay salitang Tagalog na kapag isinalin sa wikang Ingles ay heard. Ang ibig sabihin naman nito ay kung saan ay may naramdaman o natanggap na tinig gamit ang tainga.
Halimbawa ng naulinigan, nadinig/narinig at napakinggan sa salita:
1. Siya ay may naulinigan na tinig mula sa kabilang silid.
-- Siya ay may napakinggang tinig mula sa kabilang silid.
2. Kahit na malayo sila sa akin ay naulinigan ko pa rin ang kanilang mga boses.
-- Kahit na malayo sila sa akin ay narinig ko pa rin ang kanilang mga boses.
3. Aking naulinigan at naintindihan ang lahat ng iyong binigkas kanina.
-- Aking napakinggan at naintindihan ang lahat ng iyong binigkas kanina.
--- Aking narinig at naintindihan ang lahat ng iyong binigkas kanina.
Halimbawa ng naulinigan sa salita na may pagsasalin sa Ingles:
1. May naulinigan akong kumakatok sa aking silid.
-- I heard someone knocking on my door. --
2. Naulinigan ko ang boses ng nanay ko na tinatawag ang pangalan ko ngunit hindi ko siya mahanap.
-- I heard the voice of my mother calling my name but I can't find her. --
#AnswerForTrees
#CarryOnLearning
#VerifiedAndBrainly
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na maging aktibo at magbahagi ng iyong karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.