IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng eksaktong at maaasahang mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.
Sagot :
ASYA
- pinakamalaking kontinente at sumasaklaw sa humigit-kumulang na 1/3 ng mundo
- may sukat itong 49,694,700 milya kuwadrado
- coordinate ng longhitud at latitude nito ay 34.0479° Hilaga, 100.6197° Silangan
- populasyon nito ay nasa 4,050,400, 000+ katao
- ito ay nahihiwalay sa Europa sa pamamagitan ng isang makinaryang libu-libong linya ang dumadaan buhat sa Bundok Ural patungong Dagat Caspian, Bulubundukin ng Caucasus at sa Dagat Itim (Black Sea).
- ang hangganang naghahati sa Africa at Asya ay ang Suez Canal
- ang hangganan sa pagitan ng Hilagang Amerika At Asya ay ang Bering Strait.
- sa hilaga ng Asya ay ang Karagatang Artiko at sa timog nito ay ang Karagatang Indian
- ang Karagatang Pasipiko na pinakamalaking karagatan sa mundo ang nasa silangan ng Asya
- sa kanluran nito matatagpuan ang Bundok Ural, Dagat Caspian, Dagat Itim at Dagat Egeo.
- ang kontinenteng ito ay ang pinakamalaking lupalop sa buong mundo at tinaguriang isa sa pinagsibulan ng mga dakilang kabihasnan na nagpabago at humubog sa kaisipan at paniniwala ng mga tao sa daigdig nating ito
- ilan sa mga kilalang kabihasnan na nagmula dito sa Asya ay ang kabihasnang Tsina, India, Mesopotamia, at Persia
- sa dami ng mga pangkat ng lahi ng mga tao, ang Asya pa rin ang nangunguna at patuloy na yumayabong sa paglabas nito patungo sa iba pang mga bansa at pagdagsa din dito ng mga ibang lahi ng tao mula sa kontinente ng Europa, Amerika at Afrika.

Salamat sa iyong presensya. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.