IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga maaasahang sagot. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.

10 halimbawa ng palaisipan pero hindi bugtong?

Sagot :

       Ang Palaisipan na kung tawagin ay (puzzle) sa wikang ingles ay mga tanong na maaaring bigkasin o ipunin at unti unting kumpletuhin katulad ng pagsagot sa crossword puzzle (https://brainly.ph/question/48876).  Ang  mga tanong sa palaisipan ay karaniwang nalulutas ng mga katotohanang hindi maitatanggi na kung minsan ay umaabot sa tila pagiging pilososo ng mga sagot nito.

       Ang ilan ay mga halimbawa ng mga Palaisipan na hindi bugtong .

1)      Binili mo para sa sasakyan mo, pero dasal mo “sana, kahit minsan ay huwag magamit ito.”      Ano ito?  Ang sagot dito ay ang (Lifting jack) dahil ito ay ginagamit lamang tuwing mabubutasan ka ng gulong o ano mang sira ang kailangang ayusin sa ilalim ng iyong sasakyan.

2)      Ang isa dagdagan mo pa ng Isa, ilan na ito? Ang sagot dito (11) Dahil pag pinagtabi mo ang dalawang number 1, lilitaw ang number 11. Ang palaisipang ito ay karaniwang ginagamit sa mga batang naguumpisa ng magaral.

3)      Napakadumi pero gusto mo ng mas marami, ano ito? Ang sagot dito ay (pera) dahil sa dami ng kamay na humawak ditto, tunay na  na napaka dumi nito, ngunit napaka importante sa modernong pamumuhay, pinaghihirapan ito, at depende sa pagkatao ng nagnanasa o nangangailangan, maaaring maikompromiso ang moralidad ng indibiduwal.

4)      Ano ang mga salitang malalim? Ito ay maaaring sagutin ng mga sumusunod na salita gaya ng (Balon,Bangin,Dagat at iba pang mga pangalan ng mga bagay o lugar na may kalaliman ang anyo)

5)      Ano ang tawag sa panahon a kung kalian ka pwedeng pumili ng loloko at magnanakaw sayo? Ang sagot sa tanong na ito ay ang (panahon ng Eleksyon), dahil alam ng nakararami na hindi tapat sa tungkulin ang mga politiko, ngunit tuloy pa rin sila sa pagboto.

6)      Paano mo malalaman kung ang kandidato ay nagsisinungaling? (Tuwing gumagalaw ang bibig nito at may sinasabi), dahil mas marami ang politiko na sinungaling at sinasabi lamang ang gustong marinig ng botante.

7)      Bakit ang pumanaw na abogado (https://brainly.ph/question/1440491) ay hindi pinapasok sa langit at sa impyerno? Ang sagot dito ay “dahil ito ay walang kaluluwa”. Ito ay may kinalaman sa pananaw ng marami sa paraan ng pagkita ng abogado na kung saan walang gamit ang konsiyensya.

8)      Matapos ang kanyang oras sa trabaho nagkwento ang bantay ng pabrika sa kanyang amo na nanaginip siya na maaaksidente ito kung kayat pinayuhan ito na huwag ng tumuloy sa binabalak na biyahe palabas ng bansa. Ito naman ay pinakinggan ng amo at pinabago ang araw ng alis. Lumabas sa balita na ang eroplano na dapat sanay sasakyan ng amo ay bumagsak. Kinabukasan ay pinatawag ng amo ang bantay at matapos pasalamatan ito ay tinanggal sa trabaho. Bakit ito tinanggal? Ang sagot dito ay dahil siya ay natutulog sa trabaho. Nalaman ito dahil sinabi niya na siya ay nanaginip.

9)      Bakit ipinagbabawal ng gobyerno ang pagsisinungaling, pagnanakaw, pangingikil, pagkidnap at pagpatay? Ang sagot ay( Dahil ayaw ng gobyerno ng may kakompetensya.) (https://brainly.ph/question/716172) Ito ay nagmula sa katotohanang ang lahat ng ito ay ginagawa ng gobyerno sa ilalim ng ligalidad o batas na sila rin ang gumawa at sumulat.

10)   Ano ang nasa aso at pusa na wala sa daga? Ang sagot ay ang letrang (s), dahil ang letrang ito ay gamit tuwing isusulat ang salitang aso at pusa ngunit hindi sa salitang daga.

 

Ang mga palaisipan ay walang pinipiling tema o panahon, ang pinagmumulan nito ay kasing dami ng iba’t ibang uri at katayuan ng tao sa ating lipunan.