IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa pangkomunidad na mga sagot. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Apat na Aspekto ng Pandiwa
Ang pandiwa ay mga salita na nagsasaad ng kilos o galaw. Ito ay may apat na aspekto, perpektibo, imperpektibo, kontemplatibo, at perpektibong katatapos.
Perpektibo
Ito ang pandiwa na naganap na, natapos na o nakalipas na. Ginagamitan ito ng mga panlaping na, nag, um, at in.
Halimbawa:
- kinain
- tinapon
- naglaba
- sumulat
- kumanta
Imperpektibo
Ito ang pandiwa na kasalukuyang ginagawa, ginaganap o nangyayari. Dito ay inuulit ang ilang pantig ng salita at ginagamitan ng mga panlaping na, nag, um, at in.
Halimbawa:
- kumakain
- tinatapon
- naglalaba
- sumusulat
- kumakanta
Kontemplatibo
Ang pandiwa ay hindi pa nagaganap. Ito ay mangyayari pa lamang. Inuulit din ang ilang pantig at karaniwang ginagamitan ito ng mga panlaping ma at mag.
Halimbawa:
- kakain
- magtatapon
- maglalaba
- magsusulat
- kakanta
Perpektibong Katatapos
Ang pandiwa naman na ito ay nagsasaad ng kilos na sandali lamang pagkatapos ito ginawa. Ito ay ginagamitan ng unlaping ka- at pag-uulit ng unang pantig ng salita.
Halimbawa:
- kakakain
- katatapon
- kalalaba
- kasusulat
- kakakanta
Para sa kahulugan ng pandiwa at panlapi, alamin sa link:
https://brainly.ph/question/1871210
#BetterWithBrainly
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at magbahagi ng iyong karanasan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.