Suriin ang IDNStudy.com para sa malinaw at detalyadong mga sagot. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.

Ano ang mga naiambag ng mga Amerikano sa pilipinas

Sagot :

Malaki ang naging impluwensya at naiambag ng mga amerikano sa ating bansa pagdating sa kultura, sining at edukasyon.

Ito ang ilan sa mga naging impluwensya at naiambag ng mga amerikano sa Pilipinas:

1. Libangan, musika at sayaw

• tugtuging jazz at swing, gayundin ang mga boogie-woogie, fox-trot, charleston at rhumba ang nakagiliwan ng mga pilipino galing sa mga amerikano

• Natutunan din natin ang paglalaro ng basketball, baseball, football, boxing tennis at poker.

2. Wikang English – natutunan natin ang wikang ito dahil ito ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng paaralan.

3. Panitikan- Naisilang ang bagong anyo ng panitikan sa wikang english kahit pa naglalahad ng saloobin at adhikaing Pilipino.

4. Teatro- unti unting namatay ang zarzuela nang mauso ang Hollywood at nahilig manood ang mga tao ng pelikulang English

5. Pagkain- nahilig ang mga tao kumain ng sandwich, burger, mga pagkain may ketsup, hot dog, oatmeal at iba pa.

6. Sining – umunlad ang sining ng arkitektura, iskultura at pagpipinta.