Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mga sagot ng eksperto. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Halimbawa ng Panghinaharap, Pangkasalukuyan at Pangnagdaan
Ang pandiwa o mga salitang kilos ay may tatlong aspekto. Ang mga ito ay panghinaharap, pangkasalukuyan at pangnagdaan.
- Ang panghinaharap ay tumutukoy sa mga kilos na hindi pa nagagawa at magaganap pa lamang o gagawin palang. Ito ay gumagamit ng mga panlapi na ma at mag at minsanang inuulit ang pantig ng salita.
- Ang pangkasalukuyan naman ay mga kilos na ginagawa, nangyayari o nagaganap sa kasalukuyan. Ito ay gumagamit ng mga panlapi na nag, um, in at na at inuulit ang pantig ng salita.
- Ang pangnagdaan naman ay ang mga kilos na nagawa na, tapos na o nakalipas na. Ito ay gumagamit ng mga panlapi na nag, um, in at na.
Narito ang ilang halimbawa ng panghinaharap, pangkasalukuyan at pangnagdaan:
Salitang-ugat: tulog
Panghinaharap: matutulog
Pangkasalukuyan: natutulog
Pangnagdaan: natulog
Salitang-ugat: linis
Panghinaharap: maglinis
Pangkasalukuyan: naglilinis
Pangnagdaan: naglinis
Salitang-ugat: bili
Panghinaharap: bibili
Pangkasalukuyan: bumibili
Pangnagdaan: bumili
Salitang-ugat: laro
Panghinaharap: maglalaro
Pangkasalukuyan: naglalaro
Pangnagdaan: naglaro
Salitang-ugat: balot
Panghinaharap: babalutin
Pangkasalukuyan: binabalot
Pangnagdaan: binalot
Salitang-ugat: punas
Panghinaharap: magpupunas
Pangkasalukuyan: nagpupunas
Pangnagdaan: nagpunas
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa pandiwa, alamin sa link:
https://brainly.ph/question/416298
#BetterWithBrainly
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.