Makakuha ng eksaktong at maaasahang sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.
Sagot :
1. Laptap (Laptop) - Ito ang klase ng kagamitang panteknolohiya na pwede mong dalhin kahit saan ka magpunta dahil napakagaan nito na ang paraan ng paggamit ay parang kagaya ng sa mga kompyuter na ang kaibahan nga lang ay hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan itong nakasaksak sa kuryente dahil may baterya ito.
2. Kamera (Camera) - Ito ay ginagamit upang kumuha ng litrato. Ito ay kadalasang ginagamit kapag may mahahalagang okasyon sa ating buhay.
3. Selpon (Cellphone) - Ang mga selpon ay kadalasang ginagamit bilang isang telepono. Ito rin ginagamit ngayon para sa pagtingin sa ating mga social medias. Karamihan sa atin ay pinipiling magdala nito sa halip na kamera dahil ito ay mas magaan at mas madaling dalhin na tipong magkakasya sa bulsa natin.
4. de-Bluetooth na ispiker (Bluetooth speaker) - Ang mga ganitong klase ng ispiker o pampalakas ng tunog ay madalas na ginagamit sa mga kasiyahan dahil maganda ang kalidad ng tunog ng mga ito at hindi tunog-lata, sobrang gaan na tipong kayang-kaya mong dalhin ng mag-isa, matagal itong magagamit, at ang pinakamaganda sa lahat, hindi kailangan na sa buong oras ng paggamit nito ay nakasaksak ito sa kuryente dahil may sarili itong baterya.
5. Tablet - Ang gamit nito ay kagaya ng selpon ngunit ito ay palaging mas mahaba. Ang mga taong gumagamit nito ay mas kaunti na sa tingin ko ay dahil sa laki nito na tipong medyo alanganin na maibagsak kung isang kamay mo lang ang ipang-hahawak mo dito.
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.