Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

ano po ba ang ibig sabihin ng katagang ito??
The Glory that was greece the grandeur that was rome"


Sagot :

Mga Tanyag na Linya Mula sa Aklat ni Poe

Ang katagang "The Glory that was greece the grandeur that was rome" ay hango mula sa isang tulang nilikha ni Edgar Allan Poe na mayroong titulong "To Helen". Sa orihinal na pagsulat ni Poe, ang kataga ay "the beauty of fair Greece, and the grandeur of old Rome", subalit taong 1845 nang mapagdesisyunan ng mismong manunulat na baguhin ito at gawing "The Glory that was greece the grandeur that was rome". Dahil sa pagbabagong ito, tinagurian itong pinakatanyag na linyag sa mga isinulat ni Poe, ito ay ayon sa isa pang manunulat na si Jeffrey Meyers.  

Ano nga ba ang nais pakahulugan ni Poe sa mga linyang ito?  

Hindi literal ang kahulugan ng mga katagang ito. Ayon sa mga kritiko, ninanais ni Poe na magkaroon ng ugnayan sa pagitan ni Helen at Psyche, ang dalawang prinsesang bumihag sa puso ni Cupid, at nais rin niyang kumatawan ang mga ito sa sinaunang Griyego.

#BetterWithBrainly

Sino si Edgar Allan Poe? https://brainly.ph/question/226263