Makakuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong gamit ang IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.

ano ang pangatnig?
magbigay ng halimbawa.


Sagot :

Ang pangatnig ay kataga, salita o grupo ng mga salitang nagpapakita ng pagkakaugnay ng isang salita sa isa pang salita o isang kaisipan sa isa pang kaisipan. Ito ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng mga salita, parirala, sugnay o pangungusap.

ANG MGA HALIMBAWA NG PANGATNIG AY ANG MGA SUMUSUNOD:

at, o, ni, kapag, pag, kung, dahil, sapagkat, kasi, upang, para, kaya, nang

Kapag ang tanong ay nagsisimula sa bakit, ang sagot nito ay kalimitang nagsisimula sa pangatnig. Mabisang magagamit ang pangatnig sa pagsasaad ng dahilan, kundisyon o pasubali, at magkatulad o magkasalungat na kahulugan.