IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga eksperto para sagutin ang iyong mga tanong. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

ano ang tungkulin ng DOLE ??? help po


Sagot :

Ang tungkulin ng DOLE o ng Department of Labor and Employment ay upang magsagawa at mga polisiya na may kinalaman sa pagtatrabaho. Ang departamentong ito ng ehekutibo ang syang tagapagpatupad ng mga probisyon ng Labor Code ng Pilipinas. Itinatag ang DOLE sa pamamagitan ng Act 4121 noong December 7, 1933. Tinawag na Department of Labor and Employment ang dating Ministry of Labor and Employment pagkatapos ng EDSA 1. Nasa baba ang mga dagdag impormasyon ukol sa DOLE.  

Mga Bureau sa Ilalim ng Departamento

  • Bureau of Local Employment (BLE)
  • Bureau of Labor and Employment Statistics (BLES)
  • Bureau of Labor Relations (BLR)
  • Bureau of Working Conditions (BWC)
  • Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC)
  • International Labor Affairs Bureau (ILAB)
  • National Reintegration Center for OFWs (NRCO)
  • Bureau of Women and Young Workers
  • Bureau of Rural Workers

Mga Ahensang Kaugnay ng DOLE

  • Employees' Compensation Commission (ECC)
  • Institute for Labor Studies (ILS)
  • National Conciliation and Mediation Board (NCMB)
  • National Labor Relations Commission (NLRC)
  • National Maritime Polytechnic (NMP)
  • National Wages and Productivity Commission (NWPC)
  • Occupational Safety and Health Center (OSHC)
  • Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
  • Philippine Overseas Employment Administration (POEA)
  • Professional Regulation Commission (PRC)
  • Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

Ang NLRC o ang National Labor Relations Commission ay ang syang may sakop sa mga di pagkakaintindihan sa pagitan ng mga empleyado at mga kompanya. Dati, kung may problema, sasabihin ng empleyado na "Ipapa DOLE ko kayo." Sa ngayon ang mga sigalot na ito ay sinsubukang ayusin sa pamamagitan ng mediation sa NLRC.  

Para sa Dagdag Kaalaman:  

Mga Karapatan ng Manggagawa: https://brainly.ph/question/1027339

Mediation: https://brainly.ph/question/250968