Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot ng eksperto. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.

Ano ang estratihiya ng pagsulat?

Sagot :

Ayon sa pinakabagong manual ng mga Kasanayan sa Pagkatuto sa Elementarya na ipinalabas ng Departamento ng Edukasyon ng Pilipinas (2002), inaasahang ang mga mag-aaral na nagtapos saelementarya ay mayroon nang angking kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng kathang naglalahad, nagsasalaysay, naglalarawan at nangangatwiran na angkop sa kanilang antas.
Sa kabila ng pagtatakdang ito, marami pa rin ang mga mag-aaral na nakatatapos ng elementarya na kulang sa kakayahan sa pagsulat. Kung nakasusulat man, ang kanilang mga nililikhang sulatin ay hindi tumutugon sa mga itinakdang kraytirya sa kanilang antas ng pagkatuto (Bersales at Villafuerte, 2008). Marami ring bilang ng mga mag-aaral ang nagpapakita ng pagkayamot, kawalan ngmotibasyon sa pagsulat at kung minsan ay hirap na hirap pa sa pagbuo ng mga ideya. Ito ay bunga ng maling konsepto at mahinang estratehiya sa pagtuturo ng pagsulat. Kadalasan, naaapektuhan ng mga kahinaang ito ang kasanayanng mga mag-aaral sa pagsulat (Badayos, 1999).
Maiisip na isa sa mga pangunahing solusyon sa kahinaan ng mga mag-aaral sa kasanayang ito ay ang kahandaan ng guro sa pagtuturo ng pagsulat. Masasalamin ang kahandaang ito sa maraming gawaing inihahanda ng guro para sa pagtuturo ng pagsulat (Rudell, 1995).
Sa paghahanda ng mga gawain, kailangang isaalang-alang ng mga guro ang nagbabagong interes at pangangailangan ng kanilang mga mag-aaral. Upang makasabay sa mga pagbabagong ito, naroroon ang pangangailangan sa bahagi ng mga guro na maghanda ng mga aralin sa pagsulat na naaayon sa interes at lebel ng kakayahan ng mga mag-aaral at sa mga napapanahong teknik atestratehiya sa pagtuturo.