IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

mga halimbawa ng tanka

Sagot :

Nczidn
TANKA

Ang estilo ng tanka ay isang maiikling awitin o tula na pinasimuno ng Japan noon.  Ito ay dapat binubuo ng 31 pantig na 5 taludtod. 

Ang karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay:
1. 7-7-7-5-5
2. 5-7-5-7-7

Ginagamit din sa paglalaro ng aristocrats ang tanka. Lilikha ng 3 taludtod ang isang tao at dudugtungan naman ng ibang tao ng 2 taludtod upang mabuo ang isang tanka.

Halimbawa ng Tanka:


PAG-IBIG #1
7 - Ito ang laging hiling
7 - Ito ang laging sambit
7 - Lahat na'y nahumaling
5 - Ito naman ay
5 - Dapat ibigay



PAG-IISA
7 - Tahimik at malayo
7 - Sa ingay at huntahan
7 - Magkakape ako at
5 - Buntong hininga
5 - Sarap mag-isa


 
Pagbabago
5 - Magsimula sa
7 - Sarili muna dahil
5 - Dapat sa'yo ang
7 - Umpisa ng gusto mo
7 - Gusto mong pagbabago