IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa eksaktong at maaasahang mga sagot. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
Panitikan
Panitikan ang tawag sa mga akdang nagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan, at diwa ng isang tao. Ito ay may dalawang anyo: tuluyan at patula. Layunin nito na ipakita ang katotohanan at lumikha ng kwentong imahinasyon. Tumutulong sa pag - unlad ng buong pagkatao ng isang nilalang. Nagpapalawak ng kamalayan at pagpapahalaga sa sarili.
Katangian ng Panitikan:
- walang tiyak na panahon
- walang hanggan
- unibersal
- permanente
- malikhain
- imahinatibo
Ang panitikan ay maaring basahin at pag - aralan anumang panahon. Ito ay nananatiling makabuluhan sa loob ng mahabang panahonsa kabila ng pagkakaroon ng pagkakaiba - iba ng panahon sa bawat henerasyon. Ang mga aral na taglay nito kailanman ay hindi nagbabago.
Ang panitikan ay walang hanggan sapagkat ito ay tinatangkilik ng mga tao sa bawat henerasyon. Maaring ang interpretasyon at antas ng pagpapahalaga ay iba - iba ngunit ang pag - aaral ay nananatili.
Ang panitikan ay unibersal sapagkat ito ay walang pinipiling edad. Ito ay hindi isinusulat para lamang sa mga kabataan o sa mga ninuno. Sinuman ay maaaring magmahal at magpahalaga sa panitikan.
Ang panitikan ay permanente. Mawala man tayo dito sa mundo ang panitikan ay mananatiling buhay.
Ang pantikan ay malikhain. Ang bawat may - akda ay masining ang pagsulat o paglikha ng kani - kaniyang akda. Ang mga ito ay nagtataglay ng aral o mensahe na nais nilang iparating sa mga tumatangkilik nito.
Ang panitikan ay imahinatibo sapagkat ito ay bunga ng malikhaing isip ng may - akda. Sapagkat hindi lahat ng panitikan ay ayon sa katotohanan, may mga akdang kinakailangan na paganahin ang imahinasyon o kathang - isip.
Ano ang panitikan: https://brainly.ph/question/2759254
Bakit mahalaga ang pag - aaral ng panitikan: https://brainly.ph/question/20991
#LearnWithBrainly
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay at produktibong komunidad ng kaalaman. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.