Ang mga pangugunsap na PERPEKTIBO ay mga pananalitang natapos na o nakompleto na batay sa pagkakagamit ng salitang pandiwa na ang diwa ay pang-nakaraan na. (Past tense). Narito ang ilang halimbawa:
1. BINUO ko ang kanyang proyekto sa Agham
kahapon.
2. Ang kanyang mga magulang ay NAKAALIS na
papuntang Japan.
3. Ang mga bata ay NAGTAE kahapon dahil sa
kinaing street food.
4. KUMANTA rin siya dahil sa kantyaw ng kaniyang
mga kaibigan sa party kagabi.
5. NAG-DRAWING siya ng bibi ayon sa tagubilin ng
kanyang guro sa kanya.