Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot ng eksperto. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

1.) ito ang tumutukoy sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.​

Sagot :

Answer:Heograpiya  

Ang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral tungkol sa katangiang pisikal ng daigdig.

Dalawang Sangay ng Heograpiya

1. Heograpiyang Pisikal (Physical Geography)

Ang heograpiyang pisikal ay naglalarawan at nagpapaliwanag ng distribusyon ng mga anyong lupa at anyong tubig sa buong daigdig. Ito ang agham na tumatalakay sa mga natural na proseso ng mga pagbabago sa espero o kapaligiran. Kalimitang interdisiplinaryo ang pananaliksik na ginagawa sa heograpiyang pisikal, at ginagamit ang pagharap sa mga sistema (systems approach kung tawagin sa Ingles).

Mga Pinag-aaralan sa Heograpiyang Pisikal

Klima

Heolohiya (Geology)

Biolohiya (Biology)  

Iba pang sangay ng agham-pangkalikasan

2. Heograpiyang Pantao (Human Geography)

Ang heograpiyang pantao ay isang agham panlipunan na pinag-aaralan ang paraan ng interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran, kung paano niya ito binabago at kung paano din siya nababago o naaapektuhan ng kalikasan.  

Mga Pinag-aaralan sa Heograpiyang Pantao

Wika

Relihiyon,  

Lahi  

Pangkat-etniko

Medisina

Ekonomiya

Politika

Mga Lungsod

Populasyon

Kultura

Explanation:

sana maka tulong

Answer:

Heograpiya

Explanation:

Ang "Heograpiya" o "Geography" ay nag-aaral Ng aspeto Ng daigdig tulad Ng anyong lupa at tubig, klima at kung pano ito nakakaapekto sa mga tao sa lipunan