Makahanap ng mga eksaktong solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

walang sumisira sa bakal kundi sarili nyang kalawang​

Sagot :

Ang kasabihang "Walang sumisira sa bakal kundi sarili niyang kalawang​" ay nangangahulugan na ang iyong pangît na kilos at bulok na pananalita ang siyang makahahadlang sa iyong tagumpay at sisira ng iyong reputasyon.

Tulad ng isang bakal na kapag ito ay hindi naalagaan at patuloy na nae-expose sa hangin at tubig, ang isang tao na hindi umiiwas sa masamang kasama ay kalaunan na papangit din ang ugali. Kapag ang isa ay may pangît na ugali, siya ay kakikitaan ng hindi magandang kilos at salita. Ito ang magiging dahilan upang siya ay masira sa paningin ng iba.