IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may mabilis na sagot. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Sagot:
Layuan natin ang mga nakasasama para sa ating mga anak. Patuloy na suportahan sila sa kanilang mga desisyon sa buhay. Bilang isang magulang, kinakailangan mong matulungan at gabayan ang iyong mga anak na makamit ang kanilang mga pangarap at maabot ang minimithi mo para sa kanila. Kung kagustuhan mong mapaligaya sila at bigyan sila ng matiwasay na pamumuhay, umiwas ka sa bisyo na magdudulot sa kanila ng pasanin dahil ang bisyo ay nakaapekto sa iyo at sa tao sa iyong paligid. Huwag nating pababayaan ang ating mga anak sa anumang sitwasyon na kanilang pinagdadaanan. 'Wag tayo tumulad sa ibang magulang na hindi inaasikaso ang kanilang anak. Hindi ko ibig sabihin na dapat umasa ang mga anak mo sa'yo o himukin ang iyong mga anak na dumepende sayo, pero ang nais kong iparating ay alagaan natin sila ng mabuti't mahalin ng husto hanggang sa kaya na nilang tumayo sa sarili nilang mga paa. 'Di din dapat nating pilitin ang ating mga anak na tuparin ang hindi nila hilig na gawain ngunit hayaan silang sundin ang gusto nilang makamtan sa buhay. Kung tama ang iyong pagpapalaki, gagawin nila ito, balang araw!
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.